GUSTO MO
BANG MAGING ISANG
EFFECTIVE PUBLIC SPEAKER
.
Nanlalamig ba ang kamay mo
kapag nagsasalita ka sa harap ng maraming tao? Nanginginig ang kamay at labi mo
na may kasama pang daga sa dibdib at butil-butil na pawis. Well confirm
symptoms yan ng takot sa pagsasalita sa harap ng maraming tao o fear of
public speaking
YOU ARE NOT
ALONE
Alam mo ba na hindi ka nag-iisa, we
have the same feelings before. Ganiyang-ganiyan din ako kapag nagsasalita sa
harap ng maraming tao, actually mas matindi pa nga. Ako ang tipo ng tao na pag
nalaman mong crush kita sasabihin mo “Yuck! Kadiri kayo” o “Tumigil nga kayo!
Uhugin kaya yun.” Hindi mo rin siguro gugustuhin na maging barkada ako maliban
kung malakas ang sikmura mo sa uniporme kong dalawang beses ko nang sinampay
pagkatapos isuot at gagamitin ulit kinabukasan. Yes! Hang and wear ang peg ko!
Masisisi mo ba ako eh mahirap lang kami? Tubig poso ang pangligo namin at ang
iniigib kong nawasa ay pangsaing at inumin lang purpose nun. Ako na siguro ang
taong hindi papakinggan dahil sa kadugyotan, not to mention ang mababa kong
self esteem.
AN
INCREDIBLE GIFT
Sa libro ni John Maxwell na Becoming
a Person of Influence sinabi niya “It’s easy to have
faith in people who have already proved themselves. It’s much tougher to
believe in people before they have proved themselves…. When you have faith in
others, you give them an incredible gift.”
Wala akong kadating- dating,
hanggang sa may nagtiwala sa akin… ang tiwalang ito ang dahilan kung bakit ko
nadiscover ang potential ko sa pagsasalita. I remember, Grade 6 ako noon may
teacher ako sa English, si Mrs. Licsi, she assigned me na magreport at maging
leader ng grupo, hindi ko alam kung ano ang naisip niya bakit ako ang napili
niya. Well bihira lang ang pagkakataon na yun, dahil kahit papaano may talent
ako sa pag- guhit gumawa ako ng isang magandang visual aids. Lumabas ang
pagiging malikhain ko and guess what!? Bilib na bilib sila kung paano ako
nagpresent sa classroom, tinawag pa nga niya ang teacher sa kabilang classroom
para panoorin ako… at doon naramdaman ko na WOW! May dating pala ako? Dahil
dito napili ako para mag- represent ng school sa Linggo ng Kabataang Skawt at
doon nagsimula akong magsalita sa harap ng maraming tao. Natuto na din akong
magtabi ng tres (3.00Php) pambili ng “Young’s Gel” na nasa sachet para ayusin
naman ang hairstyle ko. Nagtyaga na din akong maglaba at magplantsa araw-araw
kahit medyo basa pa ang uniporme ko. Simula noon, mula Grade 6 to 4th
Year High School ay Class President palagi ako. O diba? Naging President din
ako ng Student Government ng Rizal High School, ang paaralang may
pinakamalaking populasyon sa buong mundo ng panahon na yun! Naging delegado din
ako ng National Capital Region sa National Youth Forum ng dalawang beses! Pagtungtong
ko naman ng kolehiyo pinasimulan ko ang Political Science Society sa University
namin at naging founder “slash” president nito, take note 1st Year
college lang ako nun. Second Year college naman nang naging presidente ako ng
buong campus. Imagine sa simpleng
pagtitiwala ni Mrs. Licsi, I was able to create a new me. I started to
give speeches in front of the City Council, DepEd Division officials and
hundreds and thousands of people.
Self-esteem is the incredible gift
given to me by someone who had faith in to a dugyot like me.
YOU NEED A
MENTOR
I remember, one of my projects
during my term as President of Rizal Technological University- Pasig Campus
Student Council is an all in one seminar entitled “DAY FOR A CHANGE.” At dahil
ALL IN ONE ang tema ng seminar hindi malinaw ang objective. Napaka- importante
sa seminar ang isang tema o central idea, na kahit maraming topics iisa lang
ang message nito, yung sure ka na yung gusto mong message ay dala-dala nila sa
pag-uwi.
I can help you to manage and run an effective seminar,
for consultation email me at
cormentis.consultancy@gmail.com
or contact me at 0927-2530630
At dahil ako nga ang nag spearhead
ng seminar tinalaga ko ang aking sarili bilang Keynote speaker, tanungin niyo ako
kung ano ang nangyari? Well ayun naghikaban ang mga nakikinig sa akin. Siguro
kung hindi sila required ng prof nila malamang matagal na silang nagpulasan.
Ano ang point ko? Hindi sapat ang confidence, you need style in public
speaking. It is an art were factors must be considered and understand,
otherwise ang talk mo ay isang disaster. Dahil ayaw ko nang magmukang eng-eng
sa harap ng maraming tao kumuha ako ng isang speaker. Si Bro. Roland Geronimo o
“Kuya Row”, sa umpisa ng talk niya ay naglabas siya ng 1,000 pesos at idinikit
niya ito sa board sabay tanong; “Magbigay kayo ng tao na naging matagumpay
kahit walang coach o mentor, kaniya na ang 1,000 pesos na ito.” Maraming
sumubok sumagot pero silang lahat ay nabigo. In short you need a mentor, ang
totoo talent, skills and confidence are not enough; you need someone to guide
you, a guide that is on the top of the game. After that Kuya Row became my
personal mentor in terms of my spiritual life and public speaking skills.
Binigyan niya ako ng chance magsalita
sa mga maliliit ng grupo hanggang sa papalaking number ng audience. Since then
I started giving talks in different organizations and institutions. College pa
lang ako ay nagbibigay na ako ng motivational topics sa iba’t ibang klase ng
audience. Dahil natuto ako sa loob ng simbahan, sa mga religious organization
ako unang nagkaroon ng mga speaking engagement, hanggang sa ma-invite na din
ako sa mga universities and even companies.
USE YOUR
TALENT WISELY
Certainly ang public speaking skills
ay biyaya mula sa Diyos, and primarily it must be used for His Kingdom and to
glorify HIM. Pero wag din natin kalimutan na ibinigay din ito for your personal
growth. Use that talent to win your client, use your skills in public speaking
to seal the deal, use your talent to have a great teaching demonstration, use
that para matanggap ka sa trabaho o ma- promote, higit sa lahat gamitin mo ang
talentong yan para maging responsableng provider ng pamilya at makatulong sa
ibang tao. Today, nagbibigay pa din ako ng talk sa simbahan and I do not name my price kung ang pagsasalita ko ay para sa ikaluluwalhati ng Diyos. But at
the same time I am using my public speaking skills as a profession. Whenever I
have talks in a non-religious organization or institution I am naming my price
and make money out of it. In fact nakapag establish ako ng sarili kong company
dahil sa ginamit ko ang effective public speaking skills ko. It is not bad to
earn out of your talent, binigay ito sa atin
una sa lahat para ialay sa Diyos, pangalawa upang makatulong ka sa
pamilya at kapwa.
I WANT TO
BE YOUR
MRS. LICSI
& KUYA ROW
Remember the teacher, Mrs. Licsi who
trusted me kaya ko naitaas ang self-image ko? Si Kuya Row who served as my
mentor in public speaking? Sila ang dahilan kung bakit ngayon seven years na
akong public speaker, naging guro din ako sa isang State University at naging
coach pa ng isang University debate
team. Dahil sa effective public speaking, nakapag lecture ako sa iba’t-ibang
bahagi ng bansa giving stress & fatigue management, occupational safety at
mindset change para sa isang Multinational Corporation at tulad nga ng sinabi
ko, ngayon I have CORMENTIS Co. my own company.
Hayaan mo na ako ang maging Mrs. Licsi at
Kuya Row ng buhay mo. It’s time to overcome your fear in Public Speaking and
start to win people, seal the deals and increase your sales. I want you to know
that I do believe in your potential, and it is my passion to cultivate that
potential in you.
YOU ARE
INVITED:
THINK, TALK & WIN SEMINAR
I want to invite you in my “THINK,
TALK & WIN SEMINAR,” dito tutulungan kita na ma- overcome ang takot mo sa
public speaking. I will share to you my 5 C’s in Effective Public Speaking, na
magagamit mo to win your audience, client or your employer. It’s time to
standout and show the world what you’ve got. Hindi magtatapos sa seminar ang
lahat magkakaroon ka din ng chance to be a member of my mentoring and support
circle na patuloy na gagabay sa tagumpay mo.
You know what? The only thing na
hindi mo maabot ang pangarap mo na matanggap sa trabaho, mapromote o makakuha
ng client o maging speaker tulad ko ay kung hindi ka kikilos ngayon.
Yes Paul, I want to join the Think, Talk & Win Seminar!
GET YOUR FORM NOW! Email us your name & contact number at cormentis.consultancy@gmail.com
or text us on the following mobile number
0927-2530630 (Globe)
0919-6556412
You may also see us at https://www.facebook.com/cormentis/